You Are Reading

4

Andito Na Ako Ulit

edison Wednesday, September 15, 2010

Para sa aking pagbabalik, mayroon akong handa.

Beyond Crypticness


Ayan po! Isang platitong nilagang mani. Ang totoo, pagdating ko dito sa bahay e nakita ko na lang yan sa ibabaw ng table ko. Kaya ayun! Pinicturan ko na para kunwari handa ko sa pagbubukas ulit nitong Beyond Crypticness.

Paumanhin na po sa matagal na pag-iintay ng pagbalik ng Beyond Crypticness (kung may nag-intay man po). Naging sobrang busy lang kunwari. Pero ang mahalaga naman e andito na ako ulit at nakahanda na ulit makigulo, makibalita, makidagdag ng kaalaman at kung ano pa mang maki- sa blogosperyo. Nakaka-miss pala talaga. Sabi nga, kung nakakaadik ang pesbok e mas nakakaadik ang blogging. Para sa akin yun ha? Ewan ko sa inyo kung pareho tayo. Pero siguro naman kahit isa e meron ako kapareho.

Sa ngayon, hindi pa masyado ayos ang layout nito. Pagpasensyahan na po ulit. Maaayos ko din yan. Ang mahalaga ay nakabalik. Salamat nga pala sa mga sumuporta sa Noble Vengeance. Sana nandyan pa rin kayo at magtyaga ulit magbasa sa mga post ko dito. Exchange links po ulit tayo sana kung ayos lang sa inyo. Inform nio lang po ako sa comment o sa chatbox ko na nasa kabilang page.

Yun lang po! Happy blogging sa lahat!
Share

4 comments:

EngrMoks said...

welcome back CK...

bulakbolero.sg said...

simulan na inuman para icelebrate ang bagong bahay. may isang platitong mani na pampulutan. hehe.

dhon said...

hi pare!hapi bertday sa blog m!hehehe.ako dn nga napatigil n mgpost s blog ko kaya ngaun lng dn ulit ako nkavisit s blog mo..(gnun pla un!:D)nweiz, masarap ang nilagang mani,hehehe..gudlaks n lng sau!

edison said...

Salamat salamat salamat sa pag-welcome sa aking pagbabalik!

Adgitize

 
Copyright 2010 Beyond Crypticness